Add parallel Print Page Options

Si Timoteo at si Epafrodito

19 Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na maisugo ko sa inyo si Timoteo sa lalong madaling panahon upang ako rin naman ay maaliw kapag nalaman ko ang inyong kalalagayan.

20 Ito ay sapagkat wala na akong ibang taong katulad niya ang pag-iisip, na may tunay na pagmamalasakit sa inyong kalala­gayan. 21 Ito ay sapagkat abala silang lahat sa paghahanap ng mga bagay para sa kanilang sariling kapakanan, hindi sa mga bagay na nauukol kay Cristo Jesus.

Read full chapter