Add parallel Print Page Options

13 Ako ay may sapat na lakas na gawin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.

14 Gayunman, napakabuti ng inyong ginawang pakikibahagi sa aking mga paghihirap. 15 Kayong mga taga-Filipos, alam din naman ninyo nasa pasimula pa ng pangangaral ng ebanghelyo, nang umalis ako sa Macedonia, walang ibang iglesiya ang nakipag-isa sa akin patungkol sa pagkakaloob at sa pagtanggap, kundi kayo lamang.

Read full chapter