Font Size
Filipos 4:16-18
Ang Salita ng Diyos
Filipos 4:16-18
Ang Salita ng Diyos
16 Ito ay sapagkat maging noong ako ay nasa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking pangangailangan. 17 Hindi sapagkat ako ay naghahangad ng kaloob kundi ang hinahangad ko ay masaganang bunga na nakatala para sa inyo. 18 Mayroon ako ng lahat ng bagay at sumasagana. Napunan na ang aking pangangailangan dahil sa natanggap ko mula kay Epafrodito ang mga bagay na ipinadala ninyo. Ito ay samyo na mahalimuyak, isang haing katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International