Filipos 4:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (A)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9 Ang mga bagay na inyong natutuhan (B)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (C)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
10 Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang (D)inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't (E)kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978