Add parallel Print Page Options

Sapagkat kayo ngayon ay mga anak na ng Diyos, isinugo niya ang Espiritu ng kanyang Anak, ang Espiritung sumisigaw sa ating[a] mga puso, “Ama,[b] aking Ama!” Kaya't hindi ka na alipin kundi anak. At dahil ikaw ay anak, ikaw ay ginawa na ring tagapagmana sa pamamagitan ng Diyos.

Pinagsabihan ni Pablo ang mga Taga-Galacia

Kayo'y alipin ng mga diyus-diyosan noong hindi pa ninyo kilala ang Diyos. Subalit ngayong nakikilala na ninyo ang Diyos, o mas tamang sabihing, kilala na kayo ng Diyos, bakit kayo bumabalik na naman sa mahihina at hamak na mga espiritung iyan? Bakit ibig ninyong muling maalipin ng mga iyon?

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 4:6 Sa ibang mga kasulatan ay inyong.
  2. Galacia 4:6 Sa orihinal ay ABBA: hango sa salitang Aramaico na ang kahulugan ay Ama.