Add parallel Print Page Options

13 Sapagkat narinig na ninyo ang patungkol sa dati kong paraan ng pamumuhay noong ako ay sakop pa ng Judaismo. Labis kong pinag-uusig ang iglesiya ng Diyos at winawasak ko ito. 14 Nahigitan ko sa pagtupad sa mga kaugaliang Judaismo ang mga kasinggulang ko na aking kalahi. Ako ay nagsumi­gasig ng labis sa pagsunod sa mga kaugalian ng aking mga ninuno. 15 Nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina, pinili na ako ng Diyos at tinawag na niya ako sa pamamagitan ng kaniyang biyaya.

Read full chapter