Add parallel Print Page Options

Ang Tunay na Magandang Balita

Nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ni Cristo[a] at kayo'y bumaling agad sa ibang magandang balita. Ang totoo'y wala namang ibang magandang balita; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Magandang Balita ni Cristo. Subalit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral namin sa inyo, parusahan nawa siya ng Diyos!

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 1:6 ni Cristo: Sa ibang manuskrito'y ng Diyos, at sa iba pang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.