Font Size
Galacia 3:11-13
Magandang Balita Biblia
Galacia 3:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Malinaw(A) na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”[a] 12 Ang(B) Kautusan ay hindi nakabatay sa pananampalataya, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang tumutupad sa lahat ng itinatakda ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.”
13 Tinubos(C) tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa punongkahoy.”
Read full chapterFootnotes
- Galacia 3:11 Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay: o kaya'y Ang itinuring ng Diyos na matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.