Font Size
Galacia 3:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Galacia 3:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Bago(A) pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na pawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Magandang Balitang ito ay ipinahayag na kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ang lahat ng bansa.” 9 Kaya naman pagpapalain ang mga sumasampalataya tulad ni Abraham na sumampalataya.
10 Ang(B) lahat ng nagtitiwala sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi sumusunod sa lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.”
Read full chapter