Add parallel Print Page Options

16 Naging kaaway ba ninyo ako ngayon dahil sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan? 17 Masigasig ang mga taong iyan upang mahikayat kayo, subalit hindi mabuti ang kanilang layunin. Ang naisin nila ay ang ilayo kayo sa akin, upang kayo'y sa kanila maging masigasig. 18 Mabuti naman ang maging laging masigasig, basta para sa mabuting layunin. Gawin ninyo lagi ito at hindi lamang kapag kaharap ninyo ako!

Read full chapter