Add parallel Print Page Options

20 Ibig ko sanang makaharap ko kayo ngayon at magbago ng aking himig ng pananalita sapagkat naguguluhan ang aking isip patungkol sa inyo.

Si Hagar at si Sara

21 Kayong ibig na mapasa-ilalim ng kautusan, magsabi kayo sa akin: Hindi ba ninyo naririnig kung ano ang sinasabi ng kautusan?

22 Sapagkat sinasabi ng kasulatan na si Abraham ay may dalawang anak na lalaki. Ang isa ay anak sa aliping babae at ang isa ay anak sa babaeng malaya.

Read full chapter