Font Size
Galacia 4:22-24
Ang Salita ng Diyos
Galacia 4:22-24
Ang Salita ng Diyos
22 Sapagkat sinasabi ng kasulatan na si Abraham ay may dalawang anak na lalaki. Ang isa ay anak sa aliping babae at ang isa ay anak sa babaeng malaya. 23 Subalit ang anak sa aliping babae ay isinilang ayon lamang sa paraan ng laman at ang anak sa malayang babae ay isinilang sa pamamagitan ng pangako.
24 Ang mga bagay na ito ay mga paghahambing sapagkat ang dalawang babaeng ito ay kumakatawan sa dalawang tipan. Ang isa ay mula sa bundok ng Sinai. Siya ay manganganak ng anak sa pagkaalipin. Ang babaeng ito ay si Hagar.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International