Font Size
Galacia 4:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Galacia 4:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
25 Ngayon, si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai sa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan. 26 Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. 27 Sapagkat (A) nasusulat,
“Magalak ka, O babaing baog, ikaw na hindi magkaanak;
umawit ka at humiyaw sa galak, ikaw na ang sakit sa panganganak ay hindi man lang dinanas;
sapagkat ang mga babaing pinabayaan ay higit na marami ang supling
kaysa supling ng mga babaing may asawang kapiling.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.