Font Size
Galacia 6:12-14
Ang Salita ng Diyos
Galacia 6:12-14
Ang Salita ng Diyos
12 Ang mga pumipilit sa inyo na kayo ay maging nasa pagtutuli ay sila na ang ibig lamang ay maging maganda sapanlabas na anyo. Ipinipilit nila ito upang huwag silang usigin ng mga tao dahil sa krus ni Cristo. 13 Ito ay sapagkat kahit na ang mga lalaking iyon ay nasa pagtutuli, sila ayhindi tumutupad sa kautusan. Subalit upang may maipagmapuri sila sa inyong katawan, ibig nila na kayo ay maging nasa pagtutuli. 14 Sa ganang akin, huwag nawang mangyari na ako ay magmapuri maliban lamang patungkol sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya, ang sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako ay napako sa krus sa sanlibutan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International