Add parallel Print Page Options

12 Sinabi sa akin ng Espiritu na sumama ako sa kanila ng walang pag-aalinlangan. Sumama rin naman sa akin ang anim na mga kapatid na ito at pumasok kami sa bahay ng lalaking iyon. 13 Isinalaysay niya sa amin kung paano niya nakita ang isang anghel sa kaniyang bahay. Ito ay nakatayo at nagsabi sa kaniya: Magsugo ka sa Jope ng mga lalaki. At ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro. 14 Siya ang magsasaysay sa iyo ng mga salita, sa ikaliligtas mo at ng iyong buong sambahayan.

Read full chapter