Add parallel Print Page Options

Tinitigan ko iyon at pinagwari. Nakita ko ang mga hayop sa lupa na may tig-apat na paa, ang mga mababangis na hayop, ang mga gumagapang na hayop at ang mga ibon sa himpapawid. Nakarinig din ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin: Tumindig ka, Pedro. Kumatay ka at kumain.

Ngunit sinabi ko: Hindi maaari, Panginoon, sapagkat kailanman ay walang anumang pangkaraniwan o marumi na pumasok sa aking bibig.

Read full chapter