Add parallel Print Page Options

Inusig ni Haring Herodes ang mga Mananampalataya

12 Nang panahong iyon, nagsimula si Haring Herodes[a] sa pag-uusig sa ilang miyembro ng iglesya. Ipinapatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada. Nang makita niyang natuwa ang mga Judio dahil sa kanyang ginawa, ipinahuli rin niya si Pedro. Nangyari ito sa panahon ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:1 Haring Herodes: Itoʼy si Herodes Agripa I. Siyaʼy apo ni Herodes na makikita sa Mat. 2:1; 14:1.