Add parallel Print Page Options

12 Nang maunawaan niya ang nangyari,[a] pumunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan Marcos. Maraming tao ang nagkakatipon doon at nananalangin. 13 Kumatok si Pedro sa pinto ng bakuran, at lumapit ang utusang si Roda para alamin kung sino ang kumakatok. 14 Nabosesan niyang si Pedro iyon at sa sobrang tuwa, sa halip na buksan ang pinto, tumakbo siyang papasok para ipaalam sa mga kasamahan niya na si Pedro ay nasa labas.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:12 Nang maunawaan niya ang nangyari: o, Nang malaman niyang ligtas na siya.