Add parallel Print Page Options

At narito, tumayo sa tabi niya ang isang anghel ng Panginoon. Lumiwanag ang isang ilaw sa gusali at tinapik ng anghel si Pedro sa tagiliran. Siya ay ginising na sinasabi: Bumangon kang madali. Nalaglag ang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.

Sinabi sa kaniya ng anghel: Magbihis ka at itali mo ang iyong mga panyapak. Gayon ang ginawa niya. Sinabi niya sa kaniya: Isuot mo ang iyong balabal at sumunod ka sa akin. Siya ay lumabas at sumunod. Hindi niya alam na totoo ang nangyayaring ito sa pamamagitan ng anghel dahil ang akala niya ay nakakita lamang siya ng isang pangitain.

Read full chapter