Font Size
Gawa 15:6-8
Ang Salita ng Diyos
Gawa 15:6-8
Ang Salita ng Diyos
6 Nagtipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pag-usapan ang bagay na ito. 7 Pagkatapos ng maraming pagtatalo, tumindig si Pedro. Sinabi niya sa kanila: Mga kapatid, nalalaman natin na nang nakaraang mga araw ay hinirang ako ng Diyos mula sa inyo. Hinirang ako upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng ebanghelyo at upang sila ay sumampalataya. 8 Sila ay kinilala ng Diyos na nakakaalam ng puso ay siya ring nagbigay sa kanila ang Banal na Espiritu na gaya rin naman ng ginawa niya sa atin.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International