Add parallel Print Page Options

Ang Pagdating ng Banal na Espiritu

Pagdating ng araw ng pista na tinatawag na Pentecostes,[a] nagtipon ang lahat ng mananampalataya sa isang bahay. Habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At puro ugong na lang ang kanilang narinig sa bahay na kanilang pinagtitipunan. Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:1 Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.