Font Size
Gawa 2:20-22
Ang Salita ng Diyos
Gawa 2:20-22
Ang Salita ng Diyos
20 Ang araw ay magiging kadiliman at ang buwan ay magiging dugo. Ito ay mangyayari bago dumating ang dakila at hayag na araw ng Panginoon. 21 Mangyayari na ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
22 Mga lalaking taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga-Nazaret ay isang lalaking pinagtibay ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga himala at mga kamangha-manghang gawa at mga tanda. Ang mga ito ay ginawa ng Diyos sa inyong kalagitnaan sa pamamagitan niya, katulad ng inyong pagkaalam.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International