Add parallel Print Page Options

28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng mga mananampalatayang[a] pinababantayan sa inyo ng Banal na Espiritu. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Dios na kanyang tinubos sa pamamagitan ng sariling dugo. 29 Sapagkat alam kong pagkaalis koʼy may mga tagapagturo riyan na katulad ng mga lobo na papasok sa inyo at sisira sa inyong grupo. 30 Darating din ang panahon na may magtuturo ng kasinungalingan mula mismo sa inyong grupo at ililigaw nila ang mga tagasunod ni Jesus para sila ang kanilang sundin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:28 lahat ng mga mananampalataya: sa literal, buong kawan.