Add parallel Print Page Options

14 At sila ay pumaroon sa mga pinunong-saserdote at sa mga matanda. Sinabi nila: Ipinailalim namin ang aming mga sarili sa isang sumpa. Hindi kami titikim ng anuman hanggang hindi namin napapatay si Pablo. 15 Kaya nga, ngayon kasama ng Sanhedrin, magpasabi kayo sa pinunong-kapitan na dalhin niya bukas sa inyo si Pablo na waring sisiyasatin ninyo siyang mabuti. Handa na kaming patayin siya bago dumating dito.

16 Ngunit narinig ng lalaking anak ng kapatid na babae ni Pablo ang patungkol sa kanilang gagawing pagtambang. Siya ay pumaroon at pumasok sa kuwartel at iniulat iyon kay Pablo.

Read full chapter