Font Size
Gawa 23:19-21
Ang Salita ng Diyos
Gawa 23:19-21
Ang Salita ng Diyos
19 Hinawakan siya ng pinunong-kapitan sa kamay. Sila ay pumunta sa isang tabi at tinanong siya nang palihim: Ano iyong iuulat mo sa akin?
20 Sinabi niya: Pinagkasunduan ng mga Judio na ipamanhik sa iyo na bukas ay ipananaog mo si Pablo sa Sanhedrin. Magkukunwari silang may aalamin na lalong tiyak patungkol sa kaniya. 21 Huwag kang pahimok sa kanila sapagkat may apatnapung kalalakihan na nag-aabang upang manambang. Ipinailalim nila ang kanilang sarili sa sumpa. Hindi sila kakain ni iinom man hanggat hindi nila siya napapatay. Nakahanda na sila ngayon, naghihintay na lamang sila ng pangako mo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International