Add parallel Print Page Options

29 Nasum­pungan kong siya ay isinasakdal sa mga bagay patungkol sa kanilang kautusan. Ngunit walang anumang paratang laban sa kaniya na karapat-dapat hatulan ng kamatayan o tanikala. 30 Nang ipaalam sa akin na may bantang gagawin ang mga Judio laban sa lalaking iyon, agad ko siyang ipinadala sa iyo. Ipinagbilin ko rin sa mga nagsasakdal na magsalita ng mga bagay laban sa kaniya sa harapan mo. Paalam.

31 Kaya kinuha si Pablo ng mga kawal alinsunod sa iniutos sa kanila. Gabi nang dalhin nila si Pablo sa Antipatris.

Read full chapter