Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat nasumpungan namin ang lalaking ito na isang salot. Siya ang pasimuno ng paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa sanlibutan. Siya ay pinuno ng sekta ng mga taga-Nazaret. Pinagsisikapan din naman niyang lapas­tanganin ang templo. Kaya hinuli namin siya. Ibig sana naming hatulan siya alinsunod sa aming kautusan. Ngunit dumating ang pinunong-kapitan na si Lisias at sapilitan siyang inagaw sa aming mga kamay.

Read full chapter