Add parallel Print Page Options

14 Kaming lahat ay nadapa sa lupa. Narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo at sinabi: Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga pangtaboy na patpat.

15 Sinabi ko: Sino ka, Panginoon?

Sinabi niya: Ako ay si Jesus na iyong pinag-uusig.

16 Ngunit bumangon ka at ikaw ay tumayo. Ito ang dahilan na ako ay nagpakita sa iyo, upang italaga kitang lingkod at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin. Gayundin naman sa mga bagay na ipakikita ko sa iyo.

Read full chapter