Add parallel Print Page Options

25 At dahil sa hindi sila magkasundo, nagsiuwian sila. Pero bago sila umalis, sinabi ni Pablo sa kanila, “Tama ang sinabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias. 26 Sapagkat sinabi niya,

    ‘Puntahan mo ang mga taong ito at sabihin mo sa kanila na kahit makinig sila, hindi sila makakaunawa,
    at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita,
27 dahil matigas ang puso ng mga taong ito.
    Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata.
    Dahil baka makakita sila at makarinig,
    at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 28:27 Isa. 6:9-10.