Add parallel Print Page Options

26 Sinasabi:

Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin mo: Sa pamamagitan ng pakikinig ay makakarinig kayo ngunit hindi kayo makakaunawa. Sa pagtingin ay makakakita kayo, ngunit hindi kayo makakatalos.

27 Ito ay sapagkat ang mga puso ng mga taong ito ay matigas na at nahihirapan nang makinig ang kanilang mga tainga. Ipinikit na nila ang kanilang mga mata. Baka sa anumang oras makakita pa ang kanilang mga mata, makarinig ang kanilang mga tainga. Maka­unawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila at sila ay aking pagalingin.

28 Kaya nga, alamin ninyo na ang kaligtasan ng Diyos ay ipinadala sa mga Gentil. Sila ay makikinig.

Read full chapter