Font Size
Gawa 7:43-45
Ang Salita ng Diyos
Gawa 7:43-45
Ang Salita ng Diyos
43 Lagi ninyong dala ang tolda ni Moloc at ang bituin ng inyong diyos na si Refan. Lagi ninyong dala ang mga diyos-diyosang ginawa ninyo upang inyong sambahin. Dadalhin ko kayo sa dakong lagpas pa sa Babilonia.
44 Ang tolda ng patotoo ay nasa ating mga ninuno sa ilang, ayon sa iniutos nang siya ay nagsalita kay Moises. Sinabi niya kay Moises na gawin iyon ayon sa huwarang nakita niya. 45 Tinanggap ito ng ating mga ninuno. Dala nila ito nang sila ay nasa ilalim ng pamumuno ni Josue nang makapasok sila sa lupain ng mga Gentil. Ang mga Gentil ay pinalayas ng Diyos sa harapan ng ating mga ninuno. Ang tolda ay nanatili roon hanggang sa araw ni David.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International