Add parallel Print Page Options

19 Siya ay kumain at lumakas.

Si Saulo sa Damasco at Jerusalem

Si Saulo ay nakisama ng ilang araw sa mga alagad na taga-Damasco.

20 Pagkatapos ay ipinangaral niya kaagad ang Mesiyas sa mga bahay-sambahan, na siya ang Anak ng Diyos. 21 Ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha at nagsabi: Hindi ba ito ang nagwawasak sa mga taong tumatawag sa pangalan ni Jesus doon sa Jerusalem? Siya ay naparito sa pagnanasang sila ay dalhing bihag sa harap ng mga pinunong-saserdote.

Read full chapter