Add parallel Print Page Options

Si Dorcas at Eneas

32 Nangyari, na sa paglalakbay ni Pedro sa lahat ng dako, siya ay naparoon din naman sa mga banal na naninirahansa Lida.

33 Natagpuan niya roon ang isang lalaking nagnga­ngalang Eneas. Siya ay walong taon nang nakaratay sa banig sapagkat siya ay paralitiko. 34 Sinabi sa kaniya ni Pedro: Eneas, pinagaling ka ni Jesus, na siya ang Mesiyas. Tumindig ka at iligpit mo ang iyong higaan. Tumayo kaagad si Eneas.

Read full chapter