Genesis 11:27
Ang Biblia (1978)
Ang sangbahayan ni Thare.
27 Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.
Read full chapter
Genesis 11:31
Ang Biblia (1978)
31 At ipinagsama ni Thare si (A)Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; (B)at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.
Read full chapter
Genesis 12:4
Ang Biblia (1978)
4 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.
Read full chapter
Genesis 13:1
Ang Biblia (1978)
Pagbalik sa Canaan.
13 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978