Genesis 25:21-26
Ang Biblia (1978)
21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (A)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.
22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (B)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.
23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,
Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (C)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (D)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(E)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.
Panganganak kay Esau at kay Jacob.
24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.
25 At ang unang lumabas ay mapula na (F)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.
26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (G)nakakapit sa sakong ni Esau; (H)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978