Add parallel Print Page Options

15 Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya[a] ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya.”

16 Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:15 lahi: o, mga lahi.
  2. 3:16 hahangarin … sa iyo: o, susubukan mong maghari sa iyong asawa, pero maghahari siya sa iyo.