Genesis 9-14
Ang Biblia (1978)
Pinagpala ng Dios si Noe.
9 At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, (A)Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.
2 (B)At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.
3 (C)Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; (D)gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.
4 (E)Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
5 At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: (F)sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng (G)bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.
6 (H)Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: (I)sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
7 At kayo'y magpalaanakin at magpakarami; magsilago kayo ng sagana sa lupa, at kayo'y magsidami riyan.
8 At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi,
9 At ako, narito, (J)aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo, at sa inyong binhi na susunod sa inyo;
10 At sa bawa't nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang hayop at bawa't ganid sa lupa na kasama ninyo; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa't ganid sa lupa.
11 At aking (K)pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.
12 At sinabi ng Dios, (L)Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon:
13 Ang (M)aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
14 At mangyayari, pagka ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.
15 (N)At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman.
16 At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.
17 At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko (O)sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa.
18 At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si (P)Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan.
19 Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe: (Q)at sa mga ito'y nakalatan ang buong lupa.
20 At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan.
21 At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda.
22 At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas.
23 At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.
24 At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak.
Ang sumpa sa Canaan.
25 At sinabi,
26 At sinabi niya,
Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem!
At si Canaan ay maging alipin niya.
27 Pakapalin ng Dios si Japhet.
At matira siya sa mga tolda ni Sem;
At si Canaan ay maging alipin niya.
28 At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw, ng tatlong daan at limang pung taon.
29 At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon: at namatay.
Ang lahi ng mga Anak ni Noe.
10 Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
2 (T)Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras.
3 At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.
4 At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si (U)Tarsis, si (V)Cittim, at si Dodanim.
5 Sa mga ito nangabahagi ang mga (W)pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa.
6 At (X)ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan.
7 At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan.
8 At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa.
9 Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon.
10 At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang (Y)Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa (Z)lupain ng Shinar.
11 Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah,
12 At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan).
13 At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim.
14 At si Pathrusim, at si Casluim (AA)(na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo), at ang (AB)Caphtorim.
15 At naging anak ni (AC)Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.
16 At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo;
17 At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo.
18 At ang Aradio, at ang Samareo at ang Amatheo: at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo.
19 At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa.
20 Ito ang mga anak ni Cham, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang mga lupain, sa kanilang mga bansa.
21 At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.
22 (AD)Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
23 At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas.
24 At naging anak ni Arphaxad si (AE)Sala; at naging anak ni Sala si Heber.
25 (AF)At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
26 At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;
27 At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla.
28 At si Obal, at si Abimael, at si Sheba.
29 At si (AG)Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
30 At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
31 Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.
32 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: (AH)at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.
Ang tore ni Babel.
11 At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.
2 At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa (AI)lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.
3 At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo (AJ)at ang betun ay inaring argamasa.
4 At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, (AK)na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
Pagkakaroon ng iba't ibang wika.
5 (AL)At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.
6 At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.
7 Halikayo! tayo'y (AM)bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
8 (AN)Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa (AO)ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
9 Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
Mga inanak ni Sem.
10 (AP)Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,
11 At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
12 At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.
13 At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
14 At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber:
15 At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
16 (AQ)At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:
17 At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
18 At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu:
19 At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
20 At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug:
21 At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
22 At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:
23 At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
24 At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:
25 At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
26 At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, (AR)at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.
Ang sangbahayan ni Thare.
27 Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.
28 At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo.
29 At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay (AS)Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay (AT)Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah.
30 (AU)At si Sarai ay baog; siya'y walang anak.
31 At ipinagsama ni Thare si (AV)Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; (AW)at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.
32 At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.
Ang tawag kay Abram.
12 Sinabi nga ng (AX)Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:
2 (AY)At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:
3 (AZ)At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: (BA)at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.
4 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.
5 Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pagaaring kanilang natipon (BB)at ang mga taong kanilang nakuha (BC)sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan.
6 (BD)At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, (BE)hanggang sa punong encina ng More. (BF)At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,
7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (BG)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
8 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: (BH)at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.
9 At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan.
Si Abram ay nanirahan sa Egipto.
10 (BI)At nagkagutom sa lupaing yaon: at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain.
11 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin:
12 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; (BJ)at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay.
13 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo.
14 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda.
15 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon.
16 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,
17 (BK)At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram.
Pinaglalangan ni Abram si Faraon.
18 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa?
19 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa: ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka.
20 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya: at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pagaari.
Pagbalik sa Canaan.
13 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.
2 At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.
3 At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;
4 (BL)Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.
5 At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda.
6 At sila'y hindi makayanan (BM)ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pagaari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.
Paghiwalay kay Lot.
7 (BN)At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; (BO)at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain.
8 At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong (BP)huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid.
9 (BQ)Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.
10 At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong (BR)kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa (BS)Zoar, bago (BT)giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng (BU)halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.
11 Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay.
12 Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.
13 (BV)Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.
14 At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran:
15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw (BW)ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.
16 (BX)At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi.
17 Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo.
18 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon (BY)at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na (BZ)nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.
Si Lot ay dinalang bihag.
14 At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa (CA)Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer (CB)hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim,
2 Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa (CC)Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).
3 Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim ((CD)na siyang Dagat na Alat).
4 Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.
5 At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang (CE)mga Refaim sa (CF)Ashteroth-Carnaim, at ang mga (CG)Zuzita sa Ham, at ang (CH)mga Emita sa Shave-ciriataim.
6 At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang (CI)Elparan na nasa tabi ng ilang.
7 At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa (CJ)Hazezon-tamar.
8 At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;
9 Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima.
10 At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng (CK)betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa (CL)kabundukan.
11 At kanilang sinamsam ang lahat ng (CM)pagaari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.
12 At dinala nila si Lot, na (CN)anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pagaari at (CO)sila'y nagsiyaon.
Si Lot ay iniligtas ni Abram.
13 At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; (CP)na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga (CQ)ito ay kakampi ni Abram.
14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang (CR)kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa (CS)Dan.
15 At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.
16 At iniuwi niya ang lahat ng pagaari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pagaari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.
17 At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave ((CT)na siyang libis ng hari).
Pinagpala ni Melquisedec si Abram.
18 At si (CU)Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y (CV)saserdote ng Kataastaasang (CW)Dios.
19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na (CX)may-ari ng langit at ng lupa:
20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. (CY)At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.
21 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pagaari.
22 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, (CZ)Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.
23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:
24 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si (DA)Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978