Genesis 26:18-23
Ang Biblia, 2001
18 Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga araw ni Abraham na kanyang ama; sapagkat pinagtatabunan iyon ng mga Filisteo pagkamatay ni Abraham. Pinangalanan niya ang mga iyon ayon sa mga pangalang itinawag sa kanila ng kanyang ama.
19 Humukay sa libis ang mga alipin ni Isaac at nakatagpo roon ng isang balon ng tubig na bumubukal.
20 Nakipagtalo ang mga pastol ng Gerar sa mga pastol ni Isaac, na sinasabi, “Ang tubig ay amin.” Kanyang tinawag ang pangalan ng balon na Esec[a] sapagkat sila'y nakipagtalo sa kanya.
21 Kaya't sila'y humukay ng ibang balon at muli nilang pinagtalunan, at ito ay tinawag niya sa pangalang Sitnah.[b]
22 Umalis siya roon at humukay ng ibang balon at hindi nila pinagtalunan at ito ay kanyang tinawag sa pangalang Rehobot,[c] at kanyang sinabi, “Sapagkat ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan at tayo ay magiging mabunga sa lupain.”
23 Mula roon ay umahon siya sa Beer-seba.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 26:20 Ang kahulugan ay Pagtatalo .
- Genesis 26:21 Ang kahulugan ay Alitan .
- Genesis 26:22 Ang kahulugan ay Maluluwang na lugar .
