Font Size
Genesis 6:8-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Genesis 6:8-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Pero may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe.
Si Noe
9 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe.
Si Noe ay makadios. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapit ang kanyang relasyon sa Dios. 10 May tatlo siyang anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet.
11 Napakasama na ng mga tao sa paningin ng Dios, at ang kanilang kasamaan ay laganap na sa mundo. 12 Nakita ng Dios na lubhang masama ang mga tao sa mundo dahil ang ginagawa nila ay puro kasamaan.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®