Add parallel Print Page Options

19 Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaapat na araw.

20 Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang hayop sa tubig at magsilipad ang ibaʼt ibang hayop[a] sa himpapawid.” 21 Kaya nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa tubig, at ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:20 ibaʼt ibang hayop: Ang salitang Hebreo nito ay nangangahulugang ibon, mga insektong lumilipad, at ng iba pang uri ng mga hayop na lumilipad.