Add parallel Print Page Options

Si Cush ay may mga anak din na lalaki na sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak ni Raama ay sina Sheba at Dedan.

May isa pang anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod. Si Nimrod ay naging magiting na sundalo sa mundo. Alam ng Panginoon[a] na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng Panginoon na mahusay na mangangaso.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:9 Alam ng Panginoon: sa literal, sa harapan ng Panginoon. Maaaring ang ibig sabihin, tanyag siyang lubos.