Font Size
Genesis 11:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 11:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. 9 Babel[a] ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.
Ang Lahi ni Shem(A)
10 Ito ang kasaysayan ng mga lahi na nagmula kay Shem. Dalawang taon makalipas ang baha, si Shem ay nagkaanak ng isang lalaki, si Arfaxad. Si Shem ay sandaang taóng gulang na noon.
Read full chapterFootnotes
- 9 BABEL: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Babel” at “ginulo” ay magkasintunog.