Add parallel Print Page Options

(A)At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:

(B)At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: (C)at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.

Read full chapter