Font Size
Genesis 14:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 14:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Dinalhan(A) siya ni Melquisedec, hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos, ng tinapay at alak, 19 at binasbasan,
“Pagpalain ka nawa, Abram, ng Kataas-taasang Diyos,
na lumikha ng langit at lupa.
20 Purihin ang Kataas-taasang Diyos,
na nagbigay sa iyo ng tagumpay!”
At ibinigay ni Abram kay Melquisedec ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang nasamsam buhat sa labanan.
Read full chapter