Add parallel Print Page Options

At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang (A)alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.

At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay (B)niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.

At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang (C)humatol sa akin at sa iyo.

Read full chapter