Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang (A)humatol sa akin at sa iyo.

Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.

At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa (B)tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.

Read full chapter