Font Size
Genesis 17:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 17:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Sinabi pa rin ng Diyos kay Abraham, “Hindi na Sarai ang itatawag mo sa iyong asawa kundi Sara[a] 16 sapagkat siya'y pagpapalain ko. Magkakaanak ka sa kanya at siya'y magiging ina ng maraming bansa; may magiging hari mula sa kanyang mga salinlahi.”
17 Muling nagpatirapa si Abraham, ngunit napatawa siya nang kanyang maisip na siya'y matanda na. Nasabi niya sa sarili, “Magkakaanak pa ba ang isang lalaki na sandaang taóng gulang na? At si Sara! Maglilihi pa ba siya gayong siya'y siyamnapung taon na?”
Read full chapterFootnotes
- 15 SARA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito ay “prinsesa”.