Add parallel Print Page Options

Nang mahihiga na sila para matulog, dumating ang lahat ng bata at matatandang lalaki ng Sodom, at pinaligiran nila ang bahay ni Lot. Tinawag nila si Lot at tinanong, “Nasaan na ang mga panauhin mong lalaki na dumating ngayong gabi? Palabasin mo sila rito dahil gusto namin silang sipingan.”

Lumabas si Lot ng bahay para harapin sila. Nang lumabas siya, isinara niya agad ang pintuan.

Read full chapter