Add parallel Print Page Options

Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa.

Ang Halamanan ng Eden

Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit, wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala pa ring nagsasaka. Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa kapatagan sa lupa.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 2:6 Ngunit…dumidilig sa kapatagan sa lupa: o kaya'y Ngunit may ulap na pumaitaas buhat sa lupa at ito ang dumidilig sa buong kapatagan .