Add parallel Print Page Options

At (A)sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na (B)namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na (C)ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita:

At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, (D)na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan:

Kundi ikaw ay (E)paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.

Read full chapter